Site Feedback

Magandang Tanghali Sa Inyong Lahat!

Natutuwa ako at nakasali ako sa grupong ito. Matagal na akong miyembro dito sa Italki simula noong 2007 pero mas masaya ngayon dahil marami ng Pilipino dito. Sumali din ako sa ibang Filpino groups dito pero nakita ko mukhang mas aktibo dito. hehehe.

Ikinagagalak ko kayong makilala lahat. Siya nga pala, ako si Deanna at katatapos ko lang sa kolehiyo noong Marso sa taong ito. Sumali ako dito noon para mag-aral ng Korean at Mandarin at hanggang ngayon nag-aaral pa rin ako ng Basic Korean dahil hindi ko siya napagtuonan ng pansin noon dahil sa aking pag-aaral. Ngunit sa Mandarin, ako ay nasa Elementary Level na. Malaking tulong ang pagkuha ko ng elective sa Mandarin nung nasa kolehiyo pa ako. 

Maliban sa Tagalog at English marunong din ako magsalita ng Ilokano dahil doon ang probinsya namin. Nakakaintindi at nakakapagsalita ako ng Ilokano pero hindi bihasa. :)

Magandang araw sa inyong lahat at Maligayang Pasko rin! ^___^

Share:

Comments

No comment given.

Add a comment