Debbie
Sensitibo nga ba ang mga Pinoy sa kritisismo ng mga dayo?
Mar 28, 2014 4:46 PM
Comments · 9
1
Oo,karamihan sa mga Pinoy ay sensitibo lalo na kapag sinasaway sa maling ginawa nila pero minsan dapat matutuhan rin nating mga Pinoy ang tumanggap ng kritisismo.
Lalo na if tayo talaga ang mali dapat  baguhin natin yung hindi magandang paggawi na ginawa natin, halimbawa na lang sa Singapore my sulat para sa mga Pinay maids: Letter asking for seperate bus for Pinoy maids in Singapore critized.
 
 
 
August 28, 2014
1

MARAMI sa mga Pilipino ang sensitibo, hindi nga lang ako sigurado kung "KARAMIHAN" ang mas naaayon na salita. Sa mga nakikita ko sa mga social networks, iilang Pilipino lamang ang mga may positibong reaksyon sa mga kritisismong inihahain ng mga dayuhan; marami din naman sa atin ang pinapabayaan na lamang ang mga ito. Pero kung ako'y iyong papayagang hambingin ang iba't ibang lahi na sa inyong lingkod ay pamilyar ng lubosan, hindi ko itatangging ang ating lahi ang pinakamasensitibo sa lahat.

August 23, 2014
1

Hindi ako sigurado. Sa tingin ko yung ibang Filipino ay sensitibo kung medyo personal yung joke. Kung may nang-inis sa kin na ikinasama ng loob ko, iiniisin ko rin siya/sila para fair. Hehehehe

August 21, 2014
1

Hindi naman.. Di naman natin dinidibdib ang lahat ng mga bagay.. 

May 21, 2014
1

Sa tingin ko, hindi naman. Maraming Filipino ang palakaibigan sa mga dayuhan. Siguro, depende ang reaksyon ng bawat isa sa mga komento o kritisismo.

May 20, 2014
Show more