Beatrice
Kumusta! Can someone help me to translate in Tagalog, please? It's a matter of vital importance *.*

(Thank you so much for translations!)

 

 

Hi Daniel! I would like to say to you thank you so much for this summer. I mean, thank you for your smile. You’re so kind. I leave tomorrow to Russia, then, I’ll maybe come back to Venice. however, let we see again, one day not too far away. I love to lunch there! I hope you like this little present. Imagine that this dragon is Dilong, who control the waterways on Earth. Even if it’s too big or too small, take this with you anyway.

Aug 1, 2015 8:27 AM
Comments · 4
1

 

Oy, Daniel! Gusto kong malaman mo ang aking sobrang pasasalamat nitong summer (tag-araw o tag-init). Ibig kong sabihin ay salamat sa iyong mga ngiti. Aalis ako bukas papuntang Russia, tapos, baka babalik ako sa Venice. Pero sana magkita tayo uli kaagad. Gustong-gusto kong mananghalian diyan. Sana magustuahn mo ang munting regalo ko para sa iyo. Isipin mo na ang dragon na ito ay si Dilong, ang tagapamahala ng mga tubigan sa mundo. Maging masyadong malaki man o masyadong maliit, dalhin mo ito palagi. 

October 8, 2015
1

Hi Daniel! Gusto kong labis na magpasalamat sa iyo para sa naging summer kong ito. Ang ibig kong sabihin, salamat sa iyong mga ngiti. Napakabait mo. Tutungo ako bukas sa Russia at pagkatapos, siguro babalik ako sa Venice. Pero magkita tayo muli, isang araw, sa di kalayuang panahon. Gusto kong makapagtanghalian diyan! Sana magustuhan mo ang munting alaalang ito. Isipin mo na ang dragong ito ay si Dilong na siyang naghahari sa mga daanan ng tubig sa mundo. Kahit na ito'y napakalaki o napakaliit man, tanggapin at dalhin mo ito.  -  Buona fortuna, Beatrice  :-)

August 1, 2015

I believe a Tagalog learning mobile app that has audio recorded by native speakers will help you a lot. I hope this app may help you learn Tagalog : Learn Dalubhasa's Easy Tagalog https://play.google.com/store/apps/details?id=com.dalubhasareviewcenter.easytagalog . This app will teach you from different ways of counting in Tagalog, telling time, travel and dining phrases to advanced Tagalog. This app consists of Tagalog words and sentence structures and offline dictionary with example of sentences. It also has detailed explanation even on using affixes, verbs, adjectives, slang, Taglish, and idiomatic expressions.

Being a native Tagalog speaker, I must say that the easiest part could be nouns and adjectives. Verbs, idiomatic expressions, and active and passive voices are the most difficult. Well, it really depends on how people learn.

September 5, 2017

Hi Daniel! Nais kong sabihin na labis akong nagpapasalamat sa’yo para sa aking naging bakasyon. Ang ibig kong sabihin, maraming salamat sa iyong ngiti. Napakabait mo. Bukas ay lilisan ako patungong Russia. Maaaring bumalik ako sa Venice. Ngunit, magkita tayong muli, isang araw, sa ‘di kalayuan. Gusto kong managhalian diyan. Sana magustuhan mo itong mumunting regalo. Isipin mo na ang dragon na ito ay si Dilong na kumu-kontrol sa mga daluyan ng tubig ng mundo. Kahit pa malaki o maliit, tanggapin mo pa rin ito.

September 5, 2015