Site Feedback

Wikang Tagalog

Sa pagbabasa ko ng mga sanaysay o "notebook entry" dito sa italki, napansin ko na kaunti lamang ang mga Pilipinong sumusulat gamit ang wikang Tagalog. May mga nakakausap akong ilang mag-aaral ng wikang Tagalog na nahihirapan makakuha ng magandang pagsasanay sa pakikipag-usap gamit ang wikang Tagalog sa kadahilanang kalimitan sa mga Pilipino ay nagsasalita ng wikang Ingles. Kung kaya naman, naisipan kong sumulat gamit ang aking sariling wika nang sa gayon ay makatulong sa mga "followers" kong nag-aaral ng wikang Tagalog.

Kung buo ang loob mong mag-aral ng wikang Tagalog, maari kang makinig o manood ng balita sa wikang Tagalog. Subalit katulad ng ibang mga wika, ang Tagalog na ginagamit sa pagbabalita ay kung minsa'y malayo sa pang-araw-araw na pangungusap na ginagamit sa Tagalog.

Susubukan kong magsulat ng mga "notebook entry" o sanaysay sa wikang Tagalog para sa mga nag-aaral ng wikang Tagalog.

Mabuhay! :)

Share:

 

3 comments

    Please enter between 0 and 2000 characters.

     

    Corrections

    No corrections have been written yet. Please write a correction!

    Write a correction

    Please enter between 25 and 8000 characters.

     

    More notebook entries written in Filipino (Tagalog)

    Show More