Site Feedback

At pinili ko ang mikropono...

Kanina, sa aming klase sa Filipino, nagpakita ang aming guro ng 5 bagay at pinapili kami kung saan dito ang may kaugnayan namin sa aming sarili at pinili ko ang micropono.

Ang mikropono ay kadalasang ginagamit ng mga mang-aawit pero para sa akin isinisimbolo nito ang pagkamahilig ko sa pagkanta lalong lalo na kapag nag-iisa ako. Ang mga kinakanta ko ay ang mga kantang Koreano dahil gusto kong mapraktis ang pagsasalita ng Korean. Hindi ako kumakanta ng mga kantang Ingles dahil nahihiya ako sa tuwing nabubulol ako at hindi tama ang aking pagkabigkas. Ang mikropono ay ginagamit din ng mga 'speakers' upang mas maging malakas ang kanilang boses at mas marinig ng maraming tao ang kanilang mga ibig ipahayag at ako ang eksaktong kabaliktaran nila dahil hindi ako mahilig magsalita lalong lalo na kapag nakaharap sa maraming tao.

Share:

 

0 comments

    Please enter between 0 and 2000 characters.

     

    Corrections

    At pinili ko ang mikropono...

    Kanina, sa aming klase sa Filipino, nagpakita ang aming guro ng 5 bagay at pinapili kami kung alin dito ang may kaugnayan namin sa aming sarili at pinili ko ang mikropono.

    Ang mikropono ay kadalasang ginagamit ng mga mang-aawit pero para sa akin isinisimbolo nito ang pagkamahilig ko sa pagkanta lalong-lalo na kapag nag-iisa ako. Ang mga kinakanta ko ay ang mga kantang Koreano dahil gusto kong mapraktis ang pagsasalita ng Korean. Hindi ako kumakanta ng mga kantang Ingles dahil nahihiya ako sa tuwing nabubulol ako at hindi tama ang aking pagkabigkas. Ang mikropono ay ginagamit din ng mga 'speakers' upang mas maging malakas ang kanilang boses at mas marinig ng maraming tao ang kanilang mga ibig ipahayag at ako ang eksaktong kabaliktaran nila dahil hindi ako mahilig magsalita lalong-lalo na kapag nakaharap sa maraming tao.

     

    -------

    Side Note: Good job!  You're already great in my opinion.  :-D  Also, my corrections are based on a certain orthographic rule in Filipino.  There are others that exist, though.  But you shouldn't worry about it. :)

    Write a correction

    Please enter between 25 and 8000 characters.

     

    More notebook entries written in Filipino (Tagalog)

    Show More