Ano ang madarama mo kapag may nagsabi sa iyo ng "Mahal kita"? Matutuwa ka ba? Maiinis?
Ang iyong tugon ay depende sa kung sino ang nagsabi nito. Kung gusto mo ang taong nagsabi nito, tiyak na mag-uumapaw ang kagalakan sa puso mo. Baka nga kiligin ka pa. Pero, kung kinaiinisan mo ang nagsabi nito, lalo ka lang maiirita.
Masarap mang pakinggan ang mga salitang ito mula sa taong mahal mo, huwag kang pakasisiguro. Talaga bang nagmumula sa puso niya ang mga sinabi niya? Hindi kaya isa lamang iyong kasinungalingan? Paano kung ginagamit ka lang niya para makuha ang gusto niya?
Ang totoo, ang pagmamahal ay hindi lamang sa salita kundi ipinakikita rin sa gawa.
Gaano ang kaya niyang isakripisyo para sa iyo?
Iyan ang itanong mo sa iyong puso, para hindi ka maloko ng mga salitang "Mahal kita" pero hindi naman totoo.
Share: