Site Feedback

Kasaysayan

 

Hindi akong humihingi ng correction nito, kundi pag-uusap lamang.

Bilang Amerikano, mahirap talagang hindi magalit sa sarili kong bansa kung pag-aralan ko ang Philippine-American War. Siguro kailangan kong magalit sa bansa ko dahil sa maraming kasinungalingan noon tungkol sa digmaan na iyon. Unang-una, ang mga Katipunero ay hindi pinayagang pumasok sa Maynila, ang kanilang sariling punong-bayan. Tapos, sinabihan daw ang mga Pilipino na bibigyan sila ng kalayaan, ang iisang nais nila pagkatapos ng digmaan laban sa Kastila. Ang dami pa talagang mababangis na ginawa ng mga sundalo namin sa mga Pilipino, lalo na sa mahihirap, sa mahihina, at sa mga walang kasalanan.

Ang mga taong ganoon ay palaging ginagawang biktima kahit saan o kailang nagkakaroon ng digmaan pero dahil sa pagkakataon kong tumira sa Pilipinas, nakikita ko sa kaisipan ang mga taong nakilala ko doon... Nakikita ko sila nang parang sila rin pala ang mga pinuksa kasama ang kanilang mga ninuno. Ganoon ang pakiramdam ko sa bagay na hindi akong naka-iyak, ang ginawa ko lang ay pagbulay-bulayan ang aking kapootan na kahit ganoon ang mga ginawa ng aking bansa noon na ang digmaan natin ay bihira lang na pinag-aaralan at hindi kailanmang tinatalakay. Iyon ang isang bunga ng pagkamatay na ng lahat ng nakaranas ng digmaan na iyon. Ang isa pang dahilan siguro ay ang digmaang sumunod, na kung saan sumama na ulit ang Pilipino at Amerikano upang talunin at paalisin ang Hapon. Iyon lang yata ang naalaala ng marami hanggang ngayon, bilang karagdagan sa July 4th, 1946.

Hindi ko lang alam... Ito ba ang isang sugat na pinagaling na, o isang sugat ba ito na hindi maaaring pagalingin?

Share:

 

29 comments

    Please enter between 0 and 2000 characters.

     

    Corrections

    No corrections have been written yet. Please write a correction!

    Write a correction

    Please enter between 25 and 8000 characters.

     

    More notebook entries written in Filipino (Tagalog)

    Show More