Site Feedback

Ang Alon

Bilog ang mundo at dahil dito , walang hanggan ang pag-agos ng tubig sa mga dagat. Ang mgaalon ay walang sawang humahalik sa mga baybayin at buong yuming yumayakap sa ating mga paa. Anghindi natin alam, ang mga along ito ay napatid na rin pala sa mga taong sa atin ay nakatadhana, angating mga kaibigan.

Ano nga ba ang kaibigan? Marami ang sumasagot, “Iyong taong masasandalan mo kapag may
problema ka at hindi ka iiwan.” Oo, tama. At isa ito sa napakaraming mga pakahulugan ng kaibigan,
depende sa taong iyong tinanong. Ngunit para sa akin, simple lang ang kahulugan nito. Ang kaibigan ayisang taong nagmamahal sa iyo. Para sa akin, matatawag pa ring kaibigan ang isang taong minsan aywala sa atin sa oras ng kagipitan. Bawat tao ay may problema, alam nating lahat iyan. Kaya namanhindi natin masisisi na kung minsan, hindi nila tayo matutulungan, na hindi tayo maaaring makisandalsa kanila sa mga oras na ito. Ngunit hindi ibig sabihin na hindi na natin sila mga kaibigan. Hindi ibigsabihin na hindi na sila maaasahan at hindi ibig sabihin na hindi nila tayo mahal. Kailangan rin natingumunawa na hindi palaging nandiyan ang mga taong ito. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang buhay atminsan kailangan rin natin mag-isa hindi lamang upang matuto tayong tumayo ng walang tulong mulakanino man, kundi upang matuto rin tayong maging isang tunay na tao na puno ng pag-uunawa atpagmamamahal.

Hindi rin lingid sa ating kaalaman na may mga taong mas nararamdaman ang tunay nakasiyahan at pagmamahal sa piling ng kanilang mga kaibigan, at hindi sa kanilang pamilya. Hindi natinsila masisisi sa kanilang mga paniniwala kung puro pagluha, lungkot at pait ang kanilang nararanasan atnararamdaman sa kanilangmga tahanan. Iyong para bang wala ng puwang ang kasiyahan sa kanilangmga puso sa tuwing sila ay nasa loob nito. Kaya naman sana maunawaan natin kung bakit may mgataong higit pa sa pamilya ang turing at pagmamahal sa kanilang mga kaibigan, ang mga taongnagbibigay sa kanila ng ganap na kapayapaan.

At kung makita mo man ang maputla at maluha-luhang pulang sinag ng araw sa kanluran atlumingon ka sa silangan, hindi mo mapipigilan ang marahang paglubog nito. Kaya naman, pagmasdanmo na lamang ang m
ga kutitap ng dagat at ang bawat butil ng tampisaw ng mga alon. Dito sigurado’y
makikita at mahihinuha mo ang pinakahihigit sa lahat at siyang tunay, ang maylalang ng kalikasan at nglahat ng bagay, ang Diyos.

*Ipagpaumanhin niyo na lamang ang mga salitang ginamit ko sa tekstong ito. :)

Share:

 

0 comments

    Please enter between 0 and 2000 characters.

     

    Corrections

    No corrections have been written yet. Please write a correction!

    Write a correction

    Please enter between 25 and 8000 characters.

     

    More notebook entries written in Filipino (Tagalog)

    Show More