Site Feedback

Sapi sa Chapel

(repost lang, creepy kasi)
Hindi ito sa UP pero share ko na rin. Medyo malapit na kasi ang Halloween haha
Anyway, kuwento ito ng aking tita (elementary pa yata ako nang ikuwento sa akin ng tita ko ito naalala ko lang haha).

Papunta sa adoration chapel ang aking tita. Ito yung pinaka-tahimik na part ng simbahan kung saan naka-apak yung mga taong pumapasok na gustong magdasal nang taimtim. Sa loob ng adoration chapel, meron maliit na rebulto ni Mama Mary at sa likod nito may table na nandoon yung ostia (kung tama man spelling ko) at sa likod noon may malaking imahe ni Kristo.

Lima silang pumasok kasama siyempre ang aking tita. Pumikit at nagdasal na si tita. Makalipas ang 10 minuto nagsimula nang umalis yung mga natapos nang magdasal.
Hindi na namalayan ng tita ko na umalis na yung 4 na kasama niyang nagdadasal. Tuloy pa rin si tita sa pagdadasal (medyo matagal kasi tita kong magdasal). Maya-maya...

Boses: Nakakainis naman! *Galit na umiiling*

Nagulat yung tita ko kasi sobrang lakas nung sigaw, nung tumingin siya wala naman tao. Pero bigla niyang napansin yung rebulto ni mama mary na nakasimangot pero yung kilay lang niya yung nabago (magkasalubong na yung mga kilay). Medyo natakot si tita, pero yun nga nagdadasal siya kaya nawala rin ka agad yung takot niya.

Maya-maya pa ulit at patapos na rin sa pagdadasal si tita nang biglang...

Boses: Buwiset! Huwag ka na ngang magdasal at wala naman yan kuwenta!!!! HOY!

Sa sobrang takot ni tita napatigil na talaga siya at nakita nga niya na yung mama mary ay nagsasalita at talagang galit na galit, nagkaroon talaga na nga ng mga 'folds' yung mukha niya sa sobrang galit. Nag-sign of the cross si tita.

Mama Mary: HOY! Walang kuwenta iyan! Tumigil ka na nga!

Agad na lumabas si tita sa sobrang takot at sinabi niya kagad iyon sa mga pari. Nang pumasok sila ulit doon sa adoration chapel, ganun na ulit yung mukha ni mama mary. Binasbasan ulit yung mama mary at yung kwarto.

Hindi ko na alam kung naulit pa yun, pero sinabi na lang sa amin ng tita ko inalis na rin yung mama mary pagkatapos basbasan.

Share:

 

2 comments

    Please enter between 0 and 2000 characters.

     

    Corrections

    No corrections have been written yet. Please write a correction!

    Write a correction

    Please enter between 25 and 8000 characters.

     

    More notebook entries written in Filipino (Tagalog)

    Show More