Para sa Ginoong Nasa Tren
Para sa Ginoong Nasa Tren
Mga bulaklak ng Heidelberg iyong minasdan
Sa iyong plumang itim sa may palababahan
Ay nagtanim ng mga palabrang maramihan
Sa tren samo’y natupad nang ika’y masilayan
Pluma‘t papel sa ‘yong kamay ay hindi mapawi
Sa abrigong suot kakisiga’y namutawi
Sa iyong pag-upong may giliw at malahari
Siyang tunay kagandahan mo’y kapuri-puri.
Tanaw ang paghanga sa mukha mong belyaka
Nangagliliwanag ang balat mong sa araw N’ya
ay lubos na dinampisan at ipinagbata
Ginoo, ikaw ang aking rosas ngang talaga.
Dalangin ko’y lumingon ka din sa tabing silya
‘Pagkat ang bulaklak ay ‘di lamang sa bintana
Nawa’y pansinin ang dilag na nagpapantasya
Nang ‘yong masilayan ang ngiti kong maligaya.
(Hulaan niyo kung sino ang ginoong nasa tren. Haha!)
*Image grabbed from: http://files.myopera.com/bertrain/blog/DSC05104.JPG