[Deleted]
1,400 xevera home borrowers vs Pag ibig Sa aking mga kababayan may attachment rito na magpapatunay na hindi talaga matinong kausap si VP Binay. Ito ay isang Letter of Appeal na galling sa legitimate HDMF member-home borrowers ng Xevera Mabalacat at Xevera Bacolor Township. Itong sulat pong ito ay ang paki usap ng mga kababayan nating Pilipino na naghihirap, naghihikahos at nangagarap lang naman na magkabahay na sarili. Ang gumawa po ng sulat na ito ay ang mga taong pinangakuan ni VP Binay na tutulungan ng PAGIBIG. Ito ang mga OFW na hirap na hirap na sa pagtratrabaho para magkabahay ang pamilya. Ito ang mga taong kinausap ni VP Binay upang idemanda ako at ang Globe Asiatique. Ang nakakalungkot po sa lahat , itong mga kababayan nating ito, ang mga taong nagtiwala kay VP Binay at sa PAGIBIG. Isa nanaman po itong patunay na hindi tapat, hindi totoo at higit sa lahat hindi mapagkakatiwalaan si VP Binay. Kagaya lang po ito ng hamon ni VP Binay sa debate kay Trillanes na sya pa ang hindi dumalo, ang pangakong pagdalo sa senado na wala ring nangyari kasi hindi sya nagpunta, ang hindi nya maipaliwanag na tagong yaman at kung anu anu pa. Hindi na po ako ang maglalahad at kayo na po ang humusga, Sana po ay mabasa ninyo upang malaman ninyo ang KATOTOHANAN. Follow us at http://delfinlee.com/
Mar 31, 2015 2:09 AM