Ano ang masasabi mo sa larawan na ito?
Lumaki ako sa ganitong klaseng paligid,
Simpli lang ang buhay, walang maingay na trapiko...
Tanging tunog ng mga ibon at kalabaw ang aking
naririnig araw-araw, idagdag na natin ang maingay
kong nanay na para ring ibon o kaya manok na putak
ng putak ,Oo nakakabingi minsan ang mga paulit-ulit
n'yang sinasabing mga paalala't pagdadabok
upang kami'y maigising at makapagsimula sa mga
gawaing bahay bago pupunta sa paaralan. Noong
una akala ko hindi n'ya kami minahal dahil palagi
siyang
galit, subalit ngayon na ako'y malaki na napagtanto
ko na ang lahat nang iyon ay bahagi ng aking buhay
dahil natuto akong maging matatag, malakas, at
marunong humarap sa ano mang hapon ng buhay.
Namimis ko tuloy ang mga iyon.....
Namimis ko rin ang buhay sa probensya....
Kailan pa kaya ako makabalik doon??
Namimis ko rin ang mga preskong pagkain at mga
prutas , pag-akyat sa punong mangga, Marang at
Maging punong bayabas.
Paminsan-minsan gusto kong balik-balikan ang
nakaraan dahil iyon ang dahilan kung bakit natuto
akong mangarap at magsikap.
Habang maybuhay may pag-asa at ginhawa.
Ituloy n'yo lang ang nasimulan n'yo
Makakarating din kayo s dulo.....
May dulo ba???
Parang wala naman????
Kahit na walang dulo ...... Go, go, parin tayo.....
Kayo masaya ba ang iyong kabataan ????
Kahit ano man ang iyong naging karanasan
Ipagmalaki parin natin kasi