Sa kasamaang palad walang kapangyarihan ang taong makaalam ng totoong motibo ng isang taong humihingi ng tulong, kung ito ba ay bunga talaga ng kawalan o bunga lang ng pagsasamantala. Tumulong tayo kung ito ay nasa ng ating puso ganun pa man karapatan din naman natin ang tumanggi lalo na kung nararamdaman natin na mapupunta lang sa wala ang kabutihang ginagawa natin. Subalit ang wagas at bukal na pagtulong ay hindi iniisip ang ano mang masamang isipin dahil sa pananampalatayang ang paggawa ng mabuti ay hindi nagbubunga ng masama sa mata ng maykapal...