Grammar and Tenses -- Bakit ang hina ko dito >.<?
May misyon ako ngayon at ito ay ang mag-aral ng english grammar at tenses. Nagbabasa ako ng mga articles kung paano mae-enhance ito pero bakit kapag sinusubukan ko ng i-apply sa conversation eh hindi ko pa rin magawa ng maayos. Lagi daw akong may grammar lapses. Problema ko din daw ang Subject-Verb Agreement at ang pinaka-problema ko daw eh yung TENSES! Nahihirapan akong mag-construct ng sentences, at lagi akong nawawala sa sinasabi ko kapag hindi ko na alam ang sasabihin ko. Dapat pati vocabualry ko daw eh ayusin ko. Nawawalan na tuloy ako ng confidence kapag sinusubukan kong makipag-usap sa English, lalo pa naman ngayon na nagsisimula na akong mag-apply ng trabaho at alam kong importanteng marunong kang makipag-converse sa English bilang part ng interview. Gusto ko talagang matuto. Sana may makatulong sa'kin :(. Salamat po.