Kay Sitti at Julianne Tarroja 'yan. "Pansamantagal" isang gawa-gawang lamang na tayutay (figure of speech) na pagtatambis (oxymoron) na kung saan ang dalawang magkasalungat na salita ay pinagsasama upang mangibabaw ang isang kaisipang ipinapahayag. Kung titingnan mo, ito ay binubuo ng mga salitang "pansamantala" (for a short while) at "matagal" (adj. for sth that requires time).
Ginoogle ko yung detalyadong lyrics ng kantang iyan, at napag-alaman ko tungkol iyan sa pag-aantay ng isang bagay na dapat madaliang natapos pero dahil sa pagpetiks-petiks ay umabot ng mahabang panahon. Mañana habit ika nga. :(