ابحث بين معلمي الإنجليزية المتعددين...
المنشورات
What other Philippine languages do you speak or want to learn?
According to Ethnologue, there are 188 languages in the Philippine language family but only Tagalog/Filipino and Cebuano are offered here on italki. In addition to these two, what others do you speak or want to learn, maybe even from one of our members here?
I lived in the Philippines as a volunteer for almost two years, which I spent entirely in Iloilo Province and on the island of Guimaras. Because of this, I can speak Tagalog, Hiligaynon/Ilonggo and Kinaray-a, though I'm better at Hiligaynon because I used it the most.
How about you?
http://www.ethnologue.com/subgroups/philippine
19
5
Uso pa rin ba ang particle na "ho"?
Alam ko na ginagamit ang "ho" kung may kinakausap na matanda, katulad ng "Kamusta ho kayo?" Ang di ko lang alam ay kung uso pa rin ito sa pagsasalita ng Tagalog ngayon o daan lang ang paggamit nito. Salamat!
4
0
Wala lang...
Bihira lang akong gumagamit ng italki pero susulatan ko pa rin ang notebook ko. Ano kaya yung gusto kong pag-usapan? Ito siguro... Natuwa akong bumalik sa Pilipinas nang dalawang beses na noong nakaraang December at saka yung nakaraan pang taon. Dalawang conference ang napuntuhan ko at meron pa sanang isa pa sa October na to. Ang sayang makipagkita sa mga kilala ko doon sa Iloilo. Marami pa akong gustong gawin sa islang yan bagay sa kurso ko na anthropology, halimbawa matutunan ko pa yung mga epiko ng Panay Bukidnon.
Yung isa pa, ayaw kong magturo ng Ingles. Mahirap kasi para sa akin na ipaliwanag ang grammar ng Ingles, tuloy sa inyo na lang dapat ang lahat ng magpapaturo ng wikang yan :P Pwedeng ipasa sa akin yung mga estudyante sa Tagalog, joke...
Gusto ko ng halo-halo.
2
1
Ifugao
Tinanggap ako sa isang archaeology program na gaganapin sa Ifugao Province sa July na ito! Gagawa kami ng survey doon sa Old Kiyyangan Village, ang pinakalumang paninirahan sa lugar ng tribung Ifugao ayon sa kanilang tradisyong oral. Ikinagagalak ko ang oportunidad na ito para bumalik ulit sa Pilipinas at maragdagan ang aking kaalaman tungkol dito.
5
0
Looking for students to interview about Panay epics
Magbibigay ako ng presentation sa PagBayaw Conference sa Iloilo City tungkol sa paggamit ng technology para panatilihin ang mga epiko ng tribung Panay Bukidnon katulad ng Hinilawod, Labaw Donggon, Humadapnon, atbp.
Tatanungin ko sana kayo kung napag-aralan nyo ang mga epikong yan sa eskwelahan at kung paanong itinuturo ang mga yan sa mga istudyante ngayon. Kung may karasanan kang ganiyan, paki-PM mo na lang ako para makapag-interview ako sa iyo ng maigsi sa Skype at gagamitin ko sa aking presentation ang mga sagot mo (hindi lang ang pangalan at mukha mo).
Salamat!
3
0
Hinilawod
Suwerte ako na nakakainip ang mga classes ko sa university dahil may oras pa akong magbasa ng mga iba't-ibang aklat tungkol sa mga indigenous people sa Pilipinas na pag-aaralan ko bilang graduate student. Dalawa sa mga aklat na iyan ay "The Epic of Labaw Donggon" at yung "Adventures of Humadapnon" na sinalin ni Prof F Landa Jocano. May alam ba rin kayo tungkol dito? Mahilig akong basahin ang mga ito kasi mula noong tumira ako sa Panay, may interest ako sa mga connection sa Hiligaynon at saka mga ibang dialect doon. Ang pananalitang ginagamit sa mga poem na sinabi ko ay isang halimbawa ng mas lumang dialect sa Panay na pinanggalingan yata ng Hiligaynon na ginagamit sa Iloilo ngayon. Bibigyan ko kayo ng isang maigsing sample para makita nyo rin:
"Ipamuno ko rumay sugid
Nga ibalik sugidanon
Duto gid sa ginsugdan
Nga di sa ginmunoan
Panarungan tana'y tagigkad
Pamati tana'y tagiburak
Mga inurihing tubu
Bag-o nga pinalaknad
Nga kambay ako manaysay
Nga adi man manaysayon
Siin mano may punuon
Sin-o pay puhawaon?
Sala kay Humadapnon
Imaw mayur sa banwa
Imaw may parangkuton!"
7
0
Sino pa sa atin ay marunong magsalita ng ibang dialect?
Alam ko na merong mga Cebuano at may isa akong kilala dito na marunong ding magsalita ng Ilonggo... Ano pa yung merong tayo dito?
3
0
Plano ko sa 2013
Mag-aaral pa rin... 3rd year college ako at bago lang nilipat ang course ko sa anthropology mula sa music. Ginawa ko ito dahil may project ako na hindi raw susuportahan ng School of Music pero magagawa ko sa pamamagitan ng anthropology department. Sana'y babalik pa ako sa Panay Island sa ngayong August para pag-aralan ang traditional music ng isang tribung nakatira doon sa kabundukan. Alam mo sila kung nanood ka ng Amaya :P May tatlo na akong naka-usap na professor sa UP-Diliman na nagbibigay sa akin ng advice. Buti na lang na marunong din akong magsalita ng dalawang dialect na malapit sa lugar nila (Ilonggo at Kinaray-a) para hindi akong mahihirapan nang sobra sa pagkaunawa sa mga tao doon sa bundok... Wala naman akong nahanap na dictionary ng wika nila, pero makikinig lang ako palagi at isusulat sa notebook ang lahat ng salitang maririnig kong di maiintidihan- ganiyan din kasi akong natuto ng Ilonggo at Kinaray-a.
Iyon lang ang plano ko sa 2013 dahil ang unang kalahati ng taon ay paghahanda para sa ikalawang kalahati... Wish me luck na lang!
13
2
Anong paborito mong pagkaing Pinoy?
Tanghalian na kasi dito, kaya ganito ang tanong eh :P
Sa akin, paborito ko yata sa lahat yung pagkain nila doon sa Western Visayas: ginataang pagi at saka pating, letson at tinolang manok, Pancit Molo, at iba pa. Alam nyo merong Pancit Molo at Lapaz batchoy- nakapunta ako sa dalawang lugar na iyon pero hindi ko nakain ang Pancit Molo sa Molo mismo at ganoon din sa batchoy, hindi ko nakain iyon sa Lapaz...
12
0
Kasaysayan
Hindi akong humihingi ng correction nito, kundi pag-uusap lamang.
Bilang Amerikano, mahirap talagang hindi magalit sa sarili kong bansa kung pag-aralan ko ang Philippine-American War. Siguro kailangan kong magalit sa bansa ko dahil sa maraming kasinungalingan noon tungkol sa digmaan na iyon. Unang-una, ang mga Katipunero ay hindi pinayagang pumasok sa Maynila, ang kanilang sariling punong-bayan. Tapos, sinabihan daw ang mga Pilipino na bibigyan sila ng kalayaan, ang iisang nais nila pagkatapos ng digmaan laban sa Kastila. Ang dami pa talagang mababangis na ginawa ng mga sundalo namin sa mga Pilipino, lalo na sa mahihirap, sa mahihina, at sa mga walang kasalanan.
Ang mga taong ganoon ay palaging ginagawang biktima kahit saan o kailang nagkakaroon ng digmaan pero dahil sa pagkakataon kong tumira sa Pilipinas, nakikita ko sa kaisipan ang mga taong nakilala ko doon... Nakikita ko sila nang parang sila rin pala ang mga pinuksa kasama ang kanilang mga ninuno. Ganoon ang pakiramdam ko sa bagay na hindi akong naka-iyak, ang ginawa ko lang ay pagbulay-bulayan ang aking kapootan na kahit ganoon ang mga ginawa ng aking bansa noon na ang digmaan natin ay bihira lang na pinag-aaralan at hindi kailanmang tinatalakay. Iyon ang isang bunga ng pagkamatay na ng lahat ng nakaranas ng digmaan na iyon. Ang isa pang dahilan siguro ay ang digmaang sumunod, na kung saan sumama na ulit ang Pilipino at Amerikano upang talunin at paalisin ang Hapon. Iyon lang yata ang naalaala ng marami hanggang ngayon, bilang karagdagan sa July 4th, 1946.
Hindi ko lang alam... Ito ba ang isang sugat na pinagaling na, o isang sugat ba ito na hindi maaaring pagalingin?
29
0
أظهِر المزيد
