Uso pa rin siya. Sabi sa akin ng guro ko sa Pilipinas ay ang "ho" ay para sa mga matatandang comportable mong kausap. Pormal parin itong paraan at respetadong paraan nang pagsasalita. Kung kausap mo ang iyong lolo o lola pwede mong sabihin na "Kamusta na ho kayo?" Kung hindi mo gaano kakilala ang iyong kausap pero mas matanda siya, ang tamang salita ay po.