Ida Isabel Maing
Let me read for you a Tagalog Love poem. "Tula" is poem in English. Isang uri ito ng sining na gumagamit ng iba't ibang estilo at malayang paggamot ng wika upang magpahayag ng saloobin, karunungan o damdamin. Ang tulang ito ay pinamagatang "Pag-Ibig" sa panulat ni Jose Corazon De Jesus. Sana'y magustuhan po ninyo. PAG-IBIG Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha! Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata. Kinabisa at inisip mulang ating pagkabata, tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa. Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso; pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . .  naglalaho, layuan mo at kay lungkot, nananaghoy ang pagsuyo. Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan, parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman. Ang halik na ubos-tindi, minsan lamang sa halikan, at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang. Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos, walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos. Ang pag-ibig na matapang ay puso ang inaanod pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog. Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral, tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw, ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y nalimutan iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang! Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip. Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka pa umiibig, pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit. Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina, umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa. Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila. Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag, ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak. Ang pag-ibig ay masakim at aayaw sa kakabyak, o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat! “Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.” Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal.... Sorry no more space left..
1:00
16 avr. 2021 05:02