Joana
Grammar and Tenses -- Bakit ang hina ko dito >.<? May misyon ako ngayon at ito ay ang mag-aral ng english grammar at tenses. Nagbabasa ako ng mga articles kung paano mae-enhance ito pero bakit kapag sinusubukan ko ng i-apply sa conversation eh hindi ko pa rin magawa ng maayos. Lagi daw akong may grammar lapses. Problema ko din daw ang Subject-Verb Agreement at ang pinaka-problema ko daw eh yung TENSES! Nahihirapan akong mag-construct ng sentences, at lagi akong nawawala sa sinasabi ko kapag hindi ko na alam ang sasabihin ko. Dapat pati vocabualry ko daw eh ayusin ko. Nawawalan na tuloy ako ng confidence kapag sinusubukan kong makipag-usap sa English, lalo pa naman ngayon na nagsisimula na akong mag-apply ng trabaho at alam kong importanteng marunong kang makipag-converse sa English bilang part ng interview. Gusto ko talagang matuto. Sana may makatulong sa'kin :(. Salamat po.
10 mrt. 2014 07:58
Correcties · 3
Sige maigi ring dapat tandaan, na mag-concentrate ka muna sa iisa. Kung ano ang layon, iyon na lang muna. Gusto mong maging magaling sa English, English na lang muna, kasin layon mo ang trabaho. Mahalaga ang trabaho, mas gusto mo ang Korean telenovela o sumunod sa pop culture nito, Korean ang unahin mo. Mahirap sundin kung maraming layon, Isa-isa lang muna. Gets mo?
12 maart 2014
Hi Doris :). Salamat sa comment. Tama ka dyan, more practice pa nga siguro. About sa English native speaker, tama ka about don kaso mukhang mahirap makahanap kahit sana language partner kasi parang may bayad ata. Thanks ulit sa comment, have a nice day ^_^
10 maart 2014
I think learning is not enough kailangan talaga always magpractice mas mabuti kung may nakakausap ka na English native speaker para ma practice grammar, sentence construction at pronunciation mo.
10 maart 2014
Wil je sneller vooruitgang boeken?
Word nu lid van deze leer-community en probeer de gratis oefeningen uit!