Ang mga commercial ng pagkain sa Tagalog
Napanood ko ang tatlong commercial sa Tagalog. Lahat ng mga commercial ay tungkol sa pagkain. Ang unang commercial ay para sa Selecta Pinipig. Nagtext ang dalaga sa boyfriend niya. Pero imbes na sa boyfriend niya na-itext, natext niya ang tatay niya! Nakakatawa ang commercial ito.
Ang pangalawang commercial ay sa Cornetto Ubebe. Nakakita ang binata ng kyut na dalaga. Gusto niya magbigay sa dalaga ng isang regalo. Pero 20 pesos lang ang pera niya. Bibili sana siya ng lobo sa isang tindero. Pero kulang ang 20 pesos niya. Nagpalobo na lang ng chewing gum ang tindero. Tapos nakakita ang binata ng Cornetto Ubebe. 20 pesos lang! Bumili siya ng Cornetto Ubebe at binigay niya ito sa dalaga. Masaya ang dalaga!
Ang pangatlong commercial ay tungkol sa Sprite. Sumali ang apat na lalaki ng music class. Dumating ang magandang music teacher sa klase. May crush ang lahat ng lalaki. Sabi ng music teacher, "Shall we start?" Nag-violin ang tatlong lalaki. Maganda ang musika. Pagkatapos uminom ang ika-apat na lalaki ng Sprite. Nag-violin siya at pangit ang musika. Sabi ng music teacher, "Kayong tatlo, magkita tayo isang beses sa isang linggo. Pero ikaw, magpapractice tayo araw-araw." Matalino ang ika-apat na lalaki, kasi naisip niya kung paano niya makakasama ang magandang music teacher ng mas maraming oras.