Brian
Wikang Tagalog Sa pagbabasa ko ng mga sanaysay o "notebook entry" dito sa italki, napansin ko na kaunti lamang ang mga Pilipinong sumusulat gamit ang wikang Tagalog. May mga nakakausap akong ilang mag-aaral ng wikang Tagalog na nahihirapan makakuha ng magandang pagsasanay sa pakikipag-usap gamit ang wikang Tagalog sa kadahilanang kalimitan sa mga Pilipino ay nagsasalita ng wikang Ingles. Kung kaya naman, naisipan kong sumulat gamit ang aking sariling wika nang sa gayon ay makatulong sa mga "followers" kong nag-aaral ng wikang Tagalog. Kung buo ang loob mong mag-aral ng wikang Tagalog, maari kang makinig o manood ng balita sa wikang Tagalog. Subalit katulad ng ibang mga wika, ang Tagalog na ginagamit sa pagbabalita ay kung minsa'y malayo sa pang-araw-araw na pangungusap na ginagamit sa Tagalog. Susubukan kong magsulat ng mga "notebook entry" o sanaysay sa wikang Tagalog para sa mga nag-aaral ng wikang Tagalog. Mabuhay! :)
2012年4月6日 11:55
修改 · 3
Tutulong din ako sa pagtama ng mga notebook entries. (I will also help in correcting notebook entries.) ^^
2012年5月22日
Sa tingin ko, kapag nakapagbasa ka ng isang buong artikulo o sanaysay sa wikang Tagalog muling mahahasa ang iyong kaalaman o kasanayan sa wikang Tagalog. Good luck! :)
2012年5月19日
I think I need to learn Tagalog again. Nakakalimutan ko na :(
2012年5月19日
想快些进步吗?
加入这个学习社区,来试试免费的练习吧!