Couryielle
Tanong lang po Sa mga gustong mag-aral ng Cebuano, dito rin po ba dapat mag-post? Wala pa po bang ganoong feature, o talagang hanggang Tagalog lang muna ang pwedeng pag-aralan? (Pilipino po ako, pwede po ba akong mag-Taglish dito o kailangan patas sa lahat? :D)
Feb 7, 2013 2:49 PM
Corrections · 5
Salamat :) Ah ganoon ba? Mali pala ang pagbasa ko... Tatanungin mo kaya si Odette dahil Cebuana siya at siguro matutulungan ka nya. Good luck na lang!
February 13, 2013
@si_kano: wow talaga :O kung hindi niyo pa po sinabing amerikano kayo, hindi ko pa sana nalaman. napaka-natural niyo na po mag-Tagalog! (pero hindi po ako marunong mag-Cebuano :P) @koreannovice: aah ok lang po ^^ nag-post lang po ako para sa mga gusto ring magtanong in the future. and gusto ko po matutuong mag-Cebuano kasi marami akong kaibigang Cebuano, para hindi ko na kailangan ipa-translate sa tita ko (na masyadong busy para magturo). and re: english, i'm ready to help out whenever :D
February 12, 2013
Sabi mo sa profile mo fluent in English ka. Baka pwede mo rin akong tulungan in the future. hehe :)
February 9, 2013
Hello! Cebuano ako pero I'm not sure kung matutulungan kita. Tutulungan kita kung kaya ko. ^^ Online ka ba parati rito? Bakit mo pala gustong matuto ng Cebuano? Pm mo lang ako. Pero online lang ako kung gabi kasi may klase pa sa umaga. Try mo ring maghanap ng ibang members na Cebuano at ask mo sila kung pwede ka nilang tulungan Good luck!
February 9, 2013
Tagalog pa lang ang may option dito pero pwede mo ring ipaalam na nagtuturo ka ng Cebuano. May isa o dalawa akong nakita dito na gustong mag-aral ng Cebuano at may nagpaturo sana sa akin ng Kinaray-a dati, kaso hindi palang natuloy ang mga lessons namin :/ Payo ko sa iyo na subukan mo lang! Amerikano ako at tinatagalog pa rin kita. Ang magta-Taglish ay mumultahin! haha joke :P
February 7, 2013
Want to progress faster?
Join this learning community and try out free exercises!